Malapit Ka Nang Maging Tula

4TDHSPIMJ6 (1)

Malapit ka nang maging tula
Depende sa ‘yo kung ituturing mo itong pangako o babala
Sinasabi ko lang na parating na tayo sa simula

Sinasaulo ko na ang bawat pagkalikot mo sa iyong relo
Pinapanalangin na hindi mo binibilang ang bawat minuto
At inaabangan kung oras na ba para tumayo ka’t lumayo

Nakikita na kita nang malinaw sa panaginip ko
Tuwing lumilingon ka, nginingitian mo na ako
Paggising ko tuloy, nakangiti na rin agad ako

Sa tuwing magkausap tayo, naririnig ko ang boses mo
Kahit puro letra lang ang nababasa ko
Kahit na nasa magkaibang siyudad tayo

Naiipon ko na nang hindi sadya ang mga alaala
Yung mga iilang segundong napapatingin ka
Yung tumatagos sa mga taong nasa pagitan nating dalawa

Pero hindi ko pa rin yata kayang aminin na para ‘to sa ‘yo
Na nakakalungkot dahil puro magagandang bagay ang dulot mo
At palagi na lang tayong maraming paligoy-ligoy sa mundo

Kaya ito na lang muna ang iiwan ko habang di ko pa kaya
Ayokong mangako, pero mas lalong hindi ito babala
Pero malapit ka nang maging tula

Advertisements

3 thoughts on “Malapit Ka Nang Maging Tula

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s