Sayaw

I.
Ang ibig kong sabihin
Limang oras ko nang
Sinusubukang magkabisa
Ng mga linya
At kung paano sisimulan

Pero nakakaloko yang mga ngiti mo
Ayan tuloy
Naninigas ako sa pagkakatayo
Pero nanlalambot yung tuhod ko

At kasabay ng paglapit ko sa ‘yo
Yung unti-unting pag-urong naman
Ng dila ko

Putangina! Sabi nila madali lang ‘to!
Pero paano ko ipagkakasya
Sa iilang salita, at ipaliliwanag
Yung lalim ng pagkahulog ko sa ‘yo?

II.
Alam mo?
Siguro hindi pa ngayong gabi
Yung tamang pagkakataon
Na hayaan ko ang sariling
Magkamali

Marami pa naman akong oras
Para mag-isip
…nang mag-isip,
Nang mag-isip
Nang mag-isip!
Ng mga paraan
Kung paano mo ako sasaktan
Hanggang maisipan
Mo akong iwanan

III.
Pero sa kabilang banda
Wala naman akong mapapala
Kung parati na lang akong
Pangungunahan ng kaba, ‘di ba?
At kung nasanay man akong
Isilid sa baul ang puso
At ikandado ito
Kasama ng mga pangarap ko
Para ko na ring
Minadali ang pagkatalo

Kaya ngayon, andito ako
Nakikipagkarera sa mga
Alinlangan ko
Umaasang mauunahan sila
At mananalo
Kahit ngayong gabi lang

At sana masabi ko

Nga pala, gusto kita.

Labas naman tayo.

Advertisements

One thought on “Sayaw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s